Mr. Angas ang nakatagpo
(Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Bakit may mga lalaking assuming? Akala mo kung sino, ni hindi pa nga siya kakilala. Bigla na lang sumabay sa’kin at nakipayong pa. Best friend daw siya ng isang barkada ko. Mabuti at gentleman naman. Siya raw si Mr. Pogi ng Sampaloc.

Simula nun hindi na niya ako nilubayan. Halos araw-araw hinihintay niya ako sa labas ng school namin. Sabay na raw niya ako. Mayaman pala siya. Maganda ang car niya. Ako naman nasasabihang easy to get dahil sumasabay ako sa kanya.

Minsan sinabihan ako ng mga klasmeyts ko, huwag daw akong magtiwala agad. Pero kilala talaga siya ng barkada ko. Inaaya niya akong makipag-date, pumapayag lang ako kapag kasama ang barkada ko.

Mabait siya pero maangas ang porma. Tapos laging parang may gusto ako sa kanya kapag nagsasalita siya, kapalmuks! Minsan nga nahampas ko siya dahil sa sobrang yabang.

Nalula ako nang ayain niya ako sa condo unit niya. Naalala ko ang laging biro ng tatay ko, basta kung mag-aasawa raw ako dapat ‘yung mayaman. Para tuloy, siya na ‘yung sinasabi ng tatay ko. Pero mali yata. Dapat hindi ako bumigay sa kanya. Hindi niya ako makukuha sa angas.

Ms. Aira Mae

Dear Ms Aira Mae,

Iba-iba talaga ang porma at style ng panliligaw ng mga lalaki. May paawa effect, may makulit at may maangas. Focus ka lang sa kung sino ang sincere at may paggalang sa ‘yo. Kung sa palagay mo maayos naman si Mr. Pogi, tuloy mo lang ang friendship ninyo. Huwag munang relationship. Tama ka, huwag ka munang bibigay. Pahirapan mo muna siya.  Mas mainam na kilalang-kilala mo na siya.

DR. LOVE

 

 

MR. ANGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with