Na-fall sa kaibigan
(Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hi, Dr. Love hihingi lang po sana ako ng advice. Estudyante po ako at ang problema ko ay ang feelings ko para sa isang kaibigan. Ayoko po mag-assume o mag-isip ng iba kasi ako lang din naman  ang masasaktan.

Na-fall ako sa kaibigan ko. Kuya ang tawag ko sa kanya, pero ‘di ko alam baka nga kapatid lang ang tingin niya sa’kin. Palagi po siyang nang-aasar. May time na nag-aasaran lang talaga kami at nagkukwentuhan.

Pinabasa ko po sa kaibigan ko ang conversation namin sa messenger, ang sabi niya ‘may something’ na iba na po, parang may halong feelings na ‘yung asaran namin.

Parang meron siyang feelings sa’kin. Pero ayaw ko po mag-assume. Hinahanap-hanap ko na rin siya minsan. Kaya ‘di ko po mapigilan na ako na  ang mag-chat at mangungulit.

Tapos kinabukasan po nagkwento siya na may mga tipo o type siya na mga babae. Hindi ko alam kung nagpaparamdam lang siya sa akin o talagang may nagugustuhan siyang iba. Ayaw ko naman umasa na ako ‘yun.

Kaya nalungkot po ako hanggang sa mga sumunod na araw. Pero dinedma ko lang kasi ang sabi ng isa ko pang kaibigan na iba po talaga ‘yung treatment niya sa’kin kaya umaasa pa po ako.

Maya’t maya po ang pang-aasar niya sa’kin.Anong gagawin, Dr. Love?

Erijin

Dear Erijin,

Nagiging espesyal ang tao kapag magkasama kayo palagi at nagkakasundo kayo sa mga bagay na gusto ninyo. Minsan nga kahit hindi kayo nagkikibuan at wala nang masabi nagkakaintidihan pa rin kayo.

Masarap ang feeling. Hayaan mo lang muna na magpatuloy kung ano ang treatment ninyo sa isa’t isa. Darating din ang panahon na mawawala rin ang feelings. Dito mo higit na mapapakita sa kanya ang pagiging espesyal niya sa’yo.

Huwag mo na lang munang pansinin kung sino ka sa kanya. Ang mahalaga ay napapansin ka niya sa ngayon. More than relationship, what matters is your attitude towards that someone.  Bakit ka naman aasa kung umaasa rin siya sa iyo. Just always be nice to him… kahit na may magustuhan siya. Tiyak na mas papahalagahan niya ang pakikitungo mo sa kanya.

Dr. Love

KAIBIGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with