^

Dr. Love

Pag-ibig na walang dangal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago na lang po ninyo ako sa alias na Dirty Rose, 27-anyos at isang sexy dancer sa isang maliit at masasabing pipitsuging bar. Napilitan akong pasukin ang trabahong ito dahil isa akong single mother.

Nabuntis ako ng anak ng amo ko nang ako’y isa lamang kasambahay. Ngunit hindi ko kagustuhan ang nangyari dahil ni-rape ako. Kung hindi ko papasukin ang trabahong ‘yon, hindi ko kayang sustentuhan ang aking limang taong gulang na anak.

May manliligaw ako ngayon. Sa bar ko siya nakilala pero handa raw niya akong pakasalan. 35-anyos siya, isang truck driver at biyudo.

Pinahihinto niya ako sa pagsasayaw at pagiging GRO at magsama na raw kami at pakakasalan daw ako sa tamang panahon. Napamahal na rin siya sa akin pero parang ‘di ko maatim na ang maibibigay ko sa kanya ay pag-ibig na walang dangal.

Sabi naman niya, walang halaga sa kanya ang kahapon ko basta’t nagmamahalan kami. Pagpayuhan mo po ako, Dr. Love.

Dirty Rose

Dear Rose,

Ayaw kong tawagin kang dirty dahil napilitan ka lang pasukin ang trabaho mo dala ng matin-ding pangangaila-ngan. Ang lahat ay binibigyan ng tsansa ng Diyos na magbago kaya iyan ang sikapin mong gawin.

Tungkol sa iyong manliligaw, siguruhin mo lang na hindi lang bulaklak ng labi ang ipinapangako niyang kasal sa’yo. Pero kung seryoso siya at mahal mo siya, huwag mo nang tanggihan ang inaalok niyang pag-ibig.

Ngunit gaano mo na siya ka tagal kilala? Marami ka-sing lalaki riyan na ang hangad lang ay samantalahin ang kahinaan ng isang babae. Kilalanin mo muna siyang mabuti upang malaman mo ang tunay niyang pagkatao.

Dr. Love

vuukle comment

WALANG DANGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with