Pinaghihiwalay ng parents ng gf
(Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nalulungkot ako dahil first time kong ma-sabihan ng magulang ng girlfriend ko na tigilan ko na ang relationship namin.

Wala raw kasi akong maitutulong sa anak nila kundi ang pasakitin lamang ang kanilang ulo.

Inaamin ko na minsan ginagabi na kami ng uwi ng gf ko dahil sa hapon lang kami nagkikita. Magkahiwalay na kasi kami ng school. Siya nagtuloy sa private school na pinapasukan namin. Ako naman ay sa state university nagpatuloy ng college.

Tuwing ihahatid ko siya sa kanila, dati pinapapasok pa ako ng magulang niya at nag-i-stay pa nga ako sa kanila. Walang problema kahit itong pasukan na sa college. Hanggang sa kinausap na ako ng parents ng gf ko. Hindi na ako nakaimik. Tuluy-tuloy ang salita ng mama niya na huwag na raw muna ako pumunta sa kanila at hayaan ko raw munang mag-focus sa pag-aaral ang kanilang anak.

Nakangiti pa ako nang nagpaalam ako sa kanila, pero paglabas ko ng pinto bigla na lang akong nanlumo at napaiyak. Nabigla kasi ako. Wala naman kaming napag-usapan na ganun. Alam ko na masakit din sa kalooban niya na pinaglalayo kami ng mama niya. 

Gusto ko pa sanang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya pero parang nagdadalawang-isip ako. Kasi gusto ko rin namang maging maayos ang pagsasama nila bilang pamilya. So, I decided na iwasan ko na lang siya talaga.

Aldrin 

Dear Aldrin,

Alalahanin mo na hindi natatapos ang oras nang maghiwalay kayo ng gf mo. Isang pagsubok ito kung gaano mo talaga siya kamahal. Marami pang pagkakataon at tiyak kong may mangyayaring maganda sa inyo, kung hindi ka agad susuko. Wala namang problema kung magkalayo kayo, basta ituloy mo lang ang communication ninyo. Huwag lang muna madalas. Tandaan mo kung kayo talaga ang kaloob ng Diyos sa isa’t isa, magiging kayo pa rin balang araw.

DR. LOVE

PARENTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with