Tutuluyan ko pa ba siya?
(Pilipino Star Ngayon) - August 24, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Gardo, 30-anyos at binata pa. May kasintahan ako at kami ay three years na at nagbabalak nang magpakasal hanggang sa ma-stroke siya at naging mistulang gulay ang katawan niya. Buhay ang isip, bulol magsalita ngunit paralisado ang buong katawan. Tawagin mo na lang siyang Detchie.

Maraming saksi sa aming pagmamahalan at kami ay isang taon nang nagsasama nang mangyari ang malubhang pagkakasakit niya. Buntis siya nang danasin niya ang stroke pero nalaglag ang bata. Mahal ako ng kanyang pamilya na natuwa nang magpasya kaming magpakasal. Ngunit naganap ang malagim na pangyayari.

Sa pabulol-bulol na salita, sinabi niya sa akin na huwag na naming ituloy ang kasal dahil magiging pabigat lang daw siya sa akin. Kahit ang mga magulang niya ay nagsabing puwede akong umurong sa aming nakatakdang kasal kung gusto ko. Sabi ko, itutuloy namin ang aming pag-iisang dibdib.

Pero ang mga magulang ko ay pinapayuhan akong mag-isip nang mabuti kaya nalilito ako sa a-king gagawing desisyon. Pagpayuhan mo sana ako.

Gardo

Dear Gardo,

Kung mahal mo si Detchie, desisyon mo ang mangingibabaw at hindi ang payo ng iba. Tatanungin kita, mahal mo ba siya talaga? Kung mahal mo siya, hindi mo siya bibitawan lalo na sa panahong ito na labis ka niyang kailangan.

Isipin mo ang mahabang panahon na inyong pinagsamahan bilang magkasintahan at mag-asawa. Kasal na lang ang kulang sa inyo, ngayon mo pa ba siya ilalaglag sa harap ng kanyang malubhang kalagayan? She is now your common law wife.

Para sa taong ang iniisip ay ang mabigat na sakripisyong daranasin, marahil hindi niya itutuloy ang kasal. Pero ikaw ay tunay na umiibig, kung totoong mahal mo siya. Lalo mong dapat patunayan na talagang hindi pagpapakunwari ang iyong pagmamahal.

Dr. Love 

 

 

 

TUTULUYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with