True love can wait
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Paano po ako magpapaalam sa girlfriend ko? Alam kong mahal na mahal niya ako? Gusto kong bigyan pansin ang gusto ng parents ko.

Marami na kasi akong nasayang na oras na dapat inilaan ko sa aking pag-aaral. Magpapasukan na kasi sa darating na August, sinabihan na ako ng parents ko na mag-focus muli sa pag-aaral.

‘Yun lang at magkakahiwalay na kami dahil sa Iloilo na ako magka-college.  Mahirap para sa akin ang magkahiwalay kami. Pero ang hangad ng magulang ko ay tapusin ko lang daw muna kahit ang college degree ko.

Mami-miss ko lang ‘yung halos araw-araw kaming magkasama. Kahit walang pera, masaya pa rin kami.

Hang-outs namin at inuman hanggang hatinggabi. Wala naman kasi siyang pinagkakaabalahan. Maayos ang buhay nila, hindi tulad ng sa amin. Kailangan kong magtapos at tumulong sa parents ko.

Kinausap ko na siya, nagparamdam na ako pero lalo lang kaming nagiging emosyonal.  Ayaw nga niyang pumayag na magkahiwalay kami. Ayaw ko na nga magpakita para hindi na siya masaktan pa.

Malapit na kaming umalis, sa darating na linggo ang flight namin papuntang Iloilo.  Sana maintindihan niya ako.

JM

Dear JM,

Mas priority natin ang pag-aaral. Hindi naman ibig sabihin ay tuluyan mo na siyang kakalimutan. Pwede pa naman kayong mag-usap gamit ang social media. Marami nang paraan ngayon para makapag-communicate kayo.

Kung talagang mahal ka niya, makapaghihintay siya. Para rin naman iyan sa inyong future.

Tama ang naging desisyon mo. Talagang sayang ang panahon at mahirap ang maghabol balang araw. 

Maging faithful lang kayo sa isa’t isa.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with