^

Dr. Love

Patuloy na umaasa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 Mabiyayang araw sa iyo pati na sa mga tagasubaybay mo, Dr. Love.

Ako po si Milagros Dunyo, 32-anyos at isang plain housewife. Marami ang nagpapayo sa akin na hiwalayan ko na ang aking malupit na asawa na napakagaan ng kamay na manakit sa akin. 
Ilang ulit ko na siyang iniwanan pero sinusundo niya ako parati at nangangakong magbabago na siya.

Ngunit wala pang isang buwan ay nananakit na uli siya sa kaunting pagkakamali ko lang. 
Patuloy akong nagdarasal at umaasang magbabago siya at mamahalin na ako ng totoo. 

Hanggang asa na lamang ba ako at dala-ngin? Sana ay mapagpayuhan mo ako sa dapat kong gawin. 

Milagros

Dear Milagros, 

Hindi ako pabor sa hiwalayan, ngunit kung ganyan na may pisikal na pananakit at may banta na malagay ang sarili mong buhay sa panganib, kailangan talaga ang physical separation.

Ang mga lalaking hindi mapigil ang manakit sa kanilang asawa ay maaaring dumaranas ng psychological illness. At dapat itong isangguni sa isang psychiatrist, isang espesiyalista na siyang tanging makatutulong sa kanya. 
   Makakabuti kung ipaalam mo sa magulan o kaya’y mga kapatid ng mister mo ang kalagayan niya nang sa gayon ay matulungan ka nila na ipagamot siya. 

    Huwag kang mapapagod na ipanalangin sa Diyos ang iyong mister. Higit sa lahat ay huwag mo sana siyang sukuan. Dahil higit ang pa-ngangailangan niya ng malasakit at atensiyon. Pero sa ngayon, habang hindi naaalis ang kanyang pagkabrutal ay dapat muna kayong magkalayo. Para matiyak ang kaligtasan mo.

Dr. Love 

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with