^

Dr. Love

Hindi makalimot

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pleasant and blessed day to you. Just call me Darlene (please let me withhold my surname), 45 years old.

Ang asawa ko po ay 85 years old na at nagpapasakop kami nang siya ay 65-anyos. Arranged ang marriage namin dahil  ‘yun ang gusto ng aking ama at hindi ako nakatanggi.

Komo bata pa ako noon, mahilig ako sa outing with my friends. There was a time when hinatid ako sa bahay ng isang kaibigang lalaki at pagbaba ko sa kotse ay nagbeso-beso kami. Nakita pala kami sa bintana ng asawa ko at nagselos. Isang buwan kaming walang kibuan pero katagalan ay back to normal ang relasyon namin. Akala ko ay nagkaayos na kami.

Pero habang nagtatagal, napansin ko ang pagbabago sa kanyang ugali. Makulit at ibinabalik ang mga masamang alaala lalo na ‘yung mga sandali ng binesobeso ako ng isang guy na kaibigan ko. Hindi naman siya bayolente pero bakas ang lungkot sa kanyang mukha kapag isinusumbat niya sa akin ‘yon. Walang araw na hindi niya ako sinusumbatan kahit ipaliwanag ko na kaibigan ko lang ang lalaking ‘yon.

Ano po ang gagawin ko?

Darlene

Dear Darlene,

Ano ang gagawin mo? Magtiis. May dementia na ang asawa mo sa gulang niyang 85 at ang mga taong tulad niya ay inuunawa. Maaaring hindi mo naman siya ginusto nang magpakasal kayo pero asawa mo siya. Alangan naman na sa edad niya ngayon ay magpapa-annul ka pa? Sana nung araw mo pa ginawa ‘yon.

Dagdagan mo na lang ang pag-aaruga mo sa kanya para ipakita na mahal mo siya. Kung wala ka pa ring nadaramang love para sa kanya ngayon, pilitin mo, afterall tagubilin sa atin ng Diyos na magmahalan sa isa’t isa.

Kung susumbatan ka niya uli, yakapin mo siya at sabihing mahal mo siya to build up his self confidence. 

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with