Kinakantyawang ‘andres’
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Celso, 26-anyos at may asawa at isang anak. Ang kantyaw sa akin ng mga kaibigan ko ay “andres” dahil sa masyadong pagiging dominante ng aking misis. Hindi ko magawang magalit dahil totoo naman. Ang sinasabi ko na lang sa kanila ay “understanding” lang ako talaga.

Wala siyang pinipiling lugar at kahit sa harap ng mga kumpare ko ay sinisigawan ako at inuutusan. Likas akong mahinahong tao at pinalalampas ko na lang ang kanyang ugali. 

Siya ang nagtatrabaho simula nang matanggal ako sa pinapasukan ko, isang taon na ang nakalipas. Kaya ako ang gumagawa sa mga gawaing pantahanan. Tigas-saing, tigas-sampay at kung anu-ano pang gawaing dapat gawin ng babae. Kaya hindi ako makaalma sa trato niya sa akin.

Pero nahihiya na rin ako sa mga friends ko at kung minsan gusto ko na siyang sampalin. Ano ang dapat kong gawin?

Celso

Dear Celso,

Kaya naman pala, siya ang gumagawa ng gawaing ikaw ang dapat gumawa. Maghanap ka ng trabaho at umasta kang padre de pamilya para hindi ka nagmumukhang sunud-sunuran sa misis mo.

Nagiging mapagpasakop lang sa lalaki ang babae kung siya’y kagalang-galang. Tandaan mo, sinasabi sa Biblia na ang lalaki ang ulo ng tahanan at ang asawang babae ay dapat magpasakop dito.

Kung minsan nalalabag ang prinsipyo na ‘yan dahil sa kapabayaan ng lalaki. Kaya inuulit ko, magtrabaho ka at ikaw ang magbigay ng pa-ngangailangan ng iyong pamilya.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with