Pressured maka-graduate
(Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Kakainis itong research namin para sa thesis, nagiging aburido tuloy ako lagi at inaaway ang girlfriend ko. Pressured kasi ako dahil ayaw kong mapag-iwanan at hindi maka-graduate this May.

Natataranta ako at laging nagpa-panic na baka hindi kami makaabot sa deadline.

Lagi kaming puyat ng mga kagrupo ko. Kung saan-saan na kami natutulog, kung kani-kaninong bahay ng mga klasmeyts ko para lang makatapos.

Minsan wala na akong ganang kumain. Full support naman ang girlfriend ko. Kaso ako itong kulang na sa oras para sa kanya, ako pa ang may ganang magselos at mang-away. Samahan pa nang pagtatalo-talo naming magkakagrupo. 

Hopefully maipasa namin at madepensahan ng maayos ang aming thesis. Natapos na namin ang chapter 1 to chapter 4 pero hirap kami sa chapter 5 at analysis ng mga data.

Talagang babawi ako sa girlfriend ko matapos lang ang malaking pressure sa amin ng aming mga professors, hindi lang sa thesis kundi sa lahat ng subjects namin. Ngayon ko nare-realize na mabuti at may nagmamahal sa akin at nai-inspire ako na harapin ang mga trials at struggles namin.

Salamat po, Dr. Love alam kong simple lang ang ibinahagi ko pero minsan sa maliliit na bagay doon nakatago ang lakas at biyaya ng Diyos. Thank you po, sana maka-graduate na kami.

John Lloyd

Dear John Lloyd,

Matatapos n’yo rin ‘yang thesis ninyo. Basta tulong-tulong at tiyaga. Sabi nga ni Dennis Waitley, determination gives you the resolve to keep going in spite of the roadblocks that lay before you.  Kasama sa buhay ‘yang minsan maiinis, magseselos at magtatampo tayo at parang kailangan natin ng extrang atensyon.  Mabuti at mabait ang girlfriend mo. Nakauunawa at nakaalalay sa iyo.

Malaki ang utang mo sa kanya. Kaya tuparin mo ang promise mong babawi ka kapag natapos na ninyo ang inyong thesis.  Iba’t iba ang mga pagsubok sa ating buhay pero ang mas mahalaga ay kung paano natin ito hinaharap at pinaninindigan. Advance congratulation sa inyo. Tuloy lang ang buhay. Kaya mo ‘yan!

DR. LOVE

PRESSURED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with