Galit sa biyanan
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Rosing, 30-anyos at may asawa. Dati kaming nakapisan sa aking mga biyanan noong maliit pa lang ang kinikita ng mister ko.

Hindi ko malilimot ang tatlong taong pakikipamahay namin sa mga magulang ng mister ko. Napakamatapobre ng mother in law ko at hindi manugang, kundi tsimay ang trato sa akin. Ako ang naglalaba, namamalengke at nagluluto. Nabubulyawan pa ako kapag marumi ang bahay.

Tiniis kong lahat ito. Nang mamatay ang tatay ko na isa na ring biyudo, lumipat kami sa tahanan niya sa pakiusap ng kapatid ko na tanging kasama ni tatay, nag-asawa na rin siya. Taga-Canada ang mapapangasawa niya at dun na sila nanirahan. Mabuti nakumbinsi ko ang mister ko na bumukod. Mayroon ding maliit na tindahang iniwan ang tatay ko na ipinagpatuloy namin.

Isang taon pa lang kaming bumubukod nang na-stroke ang biyanan kong babae at nabaldado. Gusto ng asawa ko na bumalik kami roon pero ayaw ko dahil sa galit na nadarama ko. Tutal, meron pa naman siyang ate na nakapisan sa biyanan ko. Isa pa, sino titira sa bahay na pamana ng aking tatay? Paano ko iwawaksi ang galit na ito na nadarama ko?

Rosing

 

Dear Rosing,

Ano man ang kasalanan ng mother in law mo sa iyo, limutin mo na at patawarin siya. Diyos ang nagsabing magpatawaran tayo at magmahalan sa isa’t isa.

Tungkol sa ibig ng asawa mo na bumalik kayo sa mga magulang niya, hindi naman kailangang gawin ito basta’t dalawin ninyo na lang sila nang madalas. Tulad ng sinabi mo, mayroon pa naman silang anak na lumilingap sa kanila. Ito’y tanda ng respeto sa mga in-laws mo bilang inyong mga magulang.

Huwag hayaang manatili ang galit sa puso. Tayo man ay makasalanan din na tumanggap ng pagpapatawad ng Diyos kaya dapat din nating gawin ito sa ating kapwa.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with