^

Dr. Love

Buking ng kapwa beki

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal na kaming nagsasama ng boyfriend ko. Pareho kaming bisexual. Ayoko ko sanang i-share ito kasi natatakot akong ma-judge ng iba.

Nagkakilala kami ni Raymond sa debut ng pinsan niya. Hindi ako nagma-make up na tulad ng ibang beki. Ganun din si Raymond. Kaya nga ako nagka-crush sa kanya dahil sa dating ng pormahan  niya.

Hindi naman kaagad kami nagkakwentuhan ni Raymond. Siya ang unang lumapit at nag-alok ng alak.

Nalasing kaming lahat at dun sama-sama kaming natulog sa bahay ng may birthday.

Himas-himas lang hanggang naging intimate kami ni Raymond. Wala pang aminan noong una. Pero obvious naman, gusto namin ang isa’t isa. Kaya napasubo na kami.

Hanggang naging kami na nga. Nag-decide kaming magsama sa isang condo. Graduate na si Raymond ng college at nagtuturo sa isang school. Ako naman ay working student, sideline ko ang mag-fashion design.

Hindi alam ng management ng school at ng principal na kanyang pinapasukan ang aming sitwasyon. Baka kasi tanggalin siya sa kanyang pagtuturo dahil nga nagsasama kami.

Madalas kaming makita ng co-teacher niya sa mga gay bar. Kaya nabuking niya na ang tunay na pagkatao ni Raymond. Ok lang sana kung game siya at madaling mapakisamahan.

Ang problema, parang gusto niyang sirain ang aming relasyon. Gumagamit pa siya ng fake account para guluhin kami. Sigurado akong siya ang gumagawa nun pero wala pa akong mabigat na ebidensiya.

Pinatawag na si Raymond sa opisina ng principal para umamin sa relasyon namin. Hindi naman nila ako dinamay sa gulo nila sa loob ng school. Kaso apektado ang private life namin. Sana po mapayuhan ninyo kami.

Maraming salamat po.

Jake

Dear Jake,

Gaano mo ba kamahal si Raymond? Gaano ka ba kamahal ni Raymond? Alam mo sa ating lipunan, hindi pa halos matangap ang ganyang sitwasyon tulad ng sa inyo. Pero may mga batas pa at mga pamantayang hindi pa bukas para sa inyo, batayan ang moral at disenteng buhay. Kung talagang matatanggal si Raymond sa kanyang propesyon, kailangan niyang maghanap ng ibang trabaho. Pag-usapan ninyong mabuti ang bawat desisyon ninyo para malinaw sa inyong dalawa. Kayo pa rin naman ang masusunod kung ano ang nais ninyo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with