^

Dr. Love

Lumaki sa pananakit

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang magandang araw sa iyo at sa bumubuo ng inyong pahayagan. Matagal ko nang gustong mag-email, salamat at nagkaroon din ako ng pagkakataon.

Dr. Love, lumaki po ako sa pananakit ng aking ina. College na po ako ngayon, 17-anyos pero malinaw pa rin sa akin ang bawat tadyak, suntok at mga masasakit na salita ng aking ina. Madalas, ako ang pinagbibintangan niya kapag nawawalan siya ng pera.

Minsan kaming nag-one on one sa harap ni tatay. Ang sabi ng nanay ko, aminin ko lang na ako ang kumuha ng nawawala niyang pera at tatahimik na siya. Dahil sa kagustuhan kong tantanan na niya ako, inamin ko. Pero lalong lumala ang sitwasyon. Tumindi ang pananakit niya sa akin.

Hindi na po ako nakatagal at nagpasyang maglayas. Una akong napadpad sa isang simbahan kung saan ako napahagulgol nang husto. Dumaing ako sa Diyos kung bakit ganon ang buhay ko.

Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng pagsisisi sa aking pag-alis sa bahay. Dahil alam ko namang mali ‘yun, isa pa iniisip ko ang pag-aaral ko. Kung wala ako sa bahay namin, paano ako makakapag-aral? Paano na ang mga pangarap ko?

Noon din ay bumalik ako, kahit pa sa isang parte ng kalooban ko ay tumututol. Dahil baka saktan na naman ako ng nanay ko. Ang sabi ko sa sarili ko, idadaan ko na lang sa dasal, bahala na si Lord sa ina ko. Kailangan kong magtiis para makatapos ako.

Salamat po sa pagbibigay ninyo ng pagkakataon sa email ko.

Arcian

Dear Arcian,

Sa palagay ko ay nawalan ng tiwala sa’yo ang iyong ina. Kaya ang maipapayo ko ay sikapin mong maipakita at maipadama sa kanya na mapagkakatiwalaan ka. Sa kabila ng pa-nanakit niya sa’yo, huwag kang magtatanim ng galit. Igalang mo pa rin ang iyong ina, dahil kaya ka lumaki at nakakapag-aral ay dahil sa kanya.

Pagtuunan mo ang iyong pag-aaral at magpakabuti. Gawin mo ang lahat ng iyong pagsisikap nang may buong katapatan. Pa-katandaan mo rin na hindi dapat akuin ang kasalanan, kung tunay na hindi naman ikaw ang gumawa nito.

Subukan mo rin na hilingin sa iyong ina na makapagsimula kayong muli para mapalitan ang mga hindi magandang alaala sa pagitan ninyo bilang mag-ina. Ewan ko lang kung hindi lumambot bigla ang puso niya para sa’yo. Lagi mo rin siyang isama sa iyong mga panalangin. Goodluck sa pag-aaral mo.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with