Singil o salamat?
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

WALA pang isang taon at kalahati ang itinatagal ni Alan Peter­ Schramm Cayetano bilang Secretary of Foreign Affairs­. Sa loob ng limitadong panahong ito, naging epektibo itong kinatawan ng ating Pangulo sa pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa mundong ilabas. Ang serbisyo ni Sec. Caye­tano ay halos kapareho ng modelo ng isa pang miyembro ng Gabinete, si Presidential Spokesperson Harry Roque. Kapwa silang nakilala na may matitibay na paninindigan sa iba’t ibang isyu. Subalit nagawa nilang isantabi muna ang sariling paniwala sa kanilang ginagampanang papel bilang tauhan ng Presidente. Kahit pa marami sa kanilang tagasuporta ang nagulat at hindi nagustuhan ang pagbabago sa kanilang mga adhikain, tanggap nila ito. Trabaho muna, bago paniwala.

Ang dalawa ay kapwa sa lehislatura nagmula. Si Cayetano ay miyembro ng Senado nang hirangin ni President Duterte. Si Roque naman ay Kongresista nang tanggapin ang imbistasyong maglingkod. Ngayon, matapos ang kanilang tour of duty sa Palasyo, ganado silang balikan ang mga institusyong pinagmulan at mga botanteng iniwan.

Papaano kaya ang magiging pakitungo ng dalawa sa kanilang posisyon sakaling makabalik sila sa Lehislatura? Kung gaano sila kaipit noong sila’y nasa gabinete, ganoon naman sila kaluwag ngayong tanging sa botante nakatuon ang kanilang utang na loob. Maibabalik pa kaya nila ang dating bangis na nakasanayan na ng taong bayan? Marami ang natutong umasa sa kanilang pag­-iingat para sa interes ng bansa. Sa madaling salita, namiss na ng tao ang kanilang serbisyo.

Napakalaki ng maiaambag ng dalawang magiting na lingkod bayan. Higit silang epektibo sa papel na mambabatas imbes na tagapagsalita lamang o tagapagpatupad ng mga desisyon ng Presidente. Pati na iyong mga ma­hirap luluning pasiya, na malinaw namang labag sa kanilang personal na paninindigan, ay maari na nilang suriin ng mariin imbes na itaguyod na sunud-sunuran.

Sisingilin ba sila o pasasalamatan ng bansa sa kanilang ginampanang papel sa labas ng Lehislatura?

ALAN PETER­ SCHRAMM CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with