^

Dr. Love

Nakipagtanan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kaklase ko po since third year ang boyfriend ko na tinaguriang “bad boy” dahil may kapilyuhan pero matalino naman at pabibo.

Sa totoo lang po ay pala-absent si Freddy pero nang maging magkaklase na kami, lagi na siyang pumapasok at aktibo na sa klase. May isang obserbasyon lang po ako sa kanya. Seloso siya masyado. Kapag may lalaking lapit nang lapit sa akin ay binabanatan niya.

May instances nga po, bakla ang kasama ko. Inakala niyang nililigawan ako kaya pinalo niya ng bakal sa ulo. Si Freddy po ang first boyfriend ko kaya protective masyado sa akin ang pamilya ko.

Nagkataon na kilala ni Tita Lynda na taga-Tondo si Freddy kaya sinabi niya agad kay lolo. Dahil sa worry na paglayuin kami, nagtanan kami. Pero natunton din kami agad ng pamilya ko sa Bulacan Bulacan.

Ngayon po ay pinapapili ako ng lolo ko, kung ang “bad boy” kong boyfriend o sila na pamilya ko. Pareho silang mahalaga sa akin. Mahal ko ang lolo at pamilya ko at ganun din si Freddy. Hindi ko basta mai-give up ang relationship namin. Pagpayuhan po ninyo ako.

Remy

Dear Remy,

Kung meron mang magandang bahagi ang pakikipagrelasyon, ‘yun ay matulungan ang bawat isa na maging mabuting tao at magkaroon nang magandang kinabukasan. Ang maipapayo ko ay bumalik ka sa iyong pamilya at pagtuunan muna ang iyong pag-aaral. Dahil kung kayo talaga ni Freddy ang para sa isa’t isa, kayo pa rin ang magkakatuluyan sa huli.

DR. LOVE

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with