May favoritism ang biyenan
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ipinapaabot ko sa inyo ang aking mainit na pagbati at pangungumusta.

Tawagin mo na lang akong Elsie, 23 anyos at may asawa. Nakapisan kami sa biyenan ko dahil ‘yun ang gusto ng aking asawa. Kasama rin namin sa iisang bubungan ang kapatid ng aking asawa at ang kanyang asawa.

May magandang trabaho ang mister ko ngunit hindi ko siya makumbinsing humiwalay. Kung tutuusin, kaya naming mangupahan o kahit magpatayo ng maliit na tahanan sa laki ng kinikita niya.

Ang hindi ko gusto ay mas paborito ng aking biyenang babae ang misis ng aking bayaw. Ako, sa konting pagkakamali ko ay nakasinghal siya agad.

Ano ang dapat kong gawin?

Elsie

Dear Elsie,

Ang solusyong nakikita ko ay ang pagsasarili ninyong mag-asawa. Pero kung ayaw ng mister mo, medyo mabigat ang problema mo.

Kumbinsihin mo pa rin siya. Ayon sa Salita ng Diyos, ang mag-asawa ay nararapat humiwalay sa magulang. Dapat na makita niya ang magkaibang pagtrato ng iyong biyenang babae sa iyo at sa asawa ng iyong bayaw. Marahil naman ay kahahabagan ka ng iyong asawa.

Mabuti ang nagsasarili dahil natututo kayong dumiskarte ng sarili at malaki ang tsansang umunlad ang inyong kabuhayan.

Dr. Love

PHILSTAR DR LOVE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with