^

Dr. Love

Seminarista

Pilipino Star Ngayon
Seminarista

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Ramiro, 21 anyos at isang seminarista. Hindi ko ambisyon na ma­ging pari pero ito ang gusto ng mga magulang ko para sa akin.

Palibhasa, sa angkan namin ay may tita ako na madre at isang tiyuhin na obispo. Napilitan akong makipag-break sa aking girlfriend nang pumasok ako sa seminary. Masama ang loob niya pero sabi niya, iginagalang niya ang pasya ko.

Pero sa dalawang taon ko sa seminary, na-realize ko na hindi marahil magandang ma­ging pari kung ito’y hindi taos sa loob ko. May komunikasyon pa rin ako sa aking ex-girlfriend sa facebook at sa private conversation namin, nauungkat ko ang aking pagdadalawang-loob. Sabi niya pakaisipin ko raw.

Kung ikaw ang tatanungin, Dr. Love, dapat ba akong tumalikod sa bokasyong pinili para sa akin ng aking mga magulang?

Ramiro

 

Dear Ramiro,

Kung labag sa loob mo ang pagpapari, mabuti pang lumabas ka na ng seminary kahit pa magalit ang iyong mga magulang.

Tama ka. Hindi wasto na pasukin mo ang bokasyon kung hindi buo sa loob mo na maglingkod sa Diyos sa ganyang paraan.

May iba namang kaparaanan para paglingkuran ang Panginoong Diyos kahit pa may asawa ka. Ang isang pagiging mabuting asawa at ama ng inyong magiging anak ay isa ring uri ng paglilingkod sa Diyos.

In fairness sa magulang mo, ipaalam mo sa kanila ang intensyon mong lumabas ng seminary at ang iyong dahilan. Marahil naman ay mauunawaan ka nila. Kung hindi, nasa wastong gulang ka na para magpasya para sa iyong sarili.

Dr. Love

vuukle comment

PHILSTAR DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with