^

Dr. Love

Mapaglaro sa pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Orly na lang ang itawag mo sa akin. Malapit na akong mag-30 anyos at wala pa akong asawa. Ang dahilan, nagkaroon ako ng reputasyong “playboy” o mapaglaro sa pag-ibig.

Mula nang magbinata ako sa edad na 18 ay naging palikero na ang bansag sa akin. Amerasian ako, matangkad at guwapo. Bukod pa iyan sa katangian ko bilang scholar mula high school hanggang kolehiyo.

Maraming babae ang lumuha sa akin. Pero ang lahat ng ito ay sobra kong pinagsisisihan. Dumating ang puntong tila alam ng bawat babaeng niligawan ko ang pangit kong reputasyon sa kababaihan.

Na in-love ako ng totoo sa isang magandang dalaga pero ako’y nabigo. Sinundan pa ito nang sunud-sunod na pagka-basted sa mga babaeng niligawan ko. May magagawa pa ba ako para maibalik ang tiwala ng mga babae sa akin?

Orly

 

Dear Orly,

Talagang mahirap tanggalin ang masamang reputasyon na nakatatak na sa isang tao. Ang magagawa mo lang ay patunayan muna ang katapatan nang inaalok mong pag-ibig sa sino mang liligawan mo.

Hindi madali iyan pero ano ang magagawa mo? Sana ay magsilbing aral ang kasaysayan mo sa ibang katulad mo na mapaglaro sa pag-ibig.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with