Problemado
(Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2017 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tulungan po ninyo ako, Dr. Love at isikreto na lang ninyo ang tunay kong pangalan. Ako po ay isang Kristiyano na may struggle sa aking carnality. May asawa na po ako pero patuloy akong nagkakaroon ng mga flings. Minsan ay umuupa ako ng mga bayarang babae.

Ako po ay may 3 anak.  May pagkakataon na ako ay nagsasarili at nakakasulyap pa rin ng mga larawang malalaswa. Alam ko sa aking pana­nampalataya na ako’y ligtas! Sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa mabubuting gawa. (Eph 2:8-9)

Maaari po bang mawala ang aking kaligtasan dahil sa ginagawa ko? Nalilito po kasi ako. Pangaral po kasi sa amin  ng aming mga pastor ay hindi raw nawawala ang kaligtasan basta’t nagsisisi nang taimtim sa tuwing nagkakasala.

Bakit po ganito? Nagi-guilty na po ako sa ginagawa ko.

Problemado 

 

Dear Problemado,

Ang pangaral ni Apostol Pablo sa mga mana­nampalataya, lalo na ‘yung mga church workers ay mabuti ang hindi pag-aasawa pero kung matindi ang tawag ng laman, mas makabubu­ting mag-asawa at huwag manatiling single. Ibig sabihin, walang excuse para magpakahulog tayo sa tukso ng laman kahit ano pa ang dahilan. Sa Roma I:1-2 sinasabing i-alay natin ang ating mga sarili bilang buhay na handog na katanggap-tanggap sa Diyos.

Malinaw ang tagubilin ng Salita ng Diyos na huwag ibulid ang sarili na templo ng Diyos sa sexual immorality. Kung kasama mo ang iyong misis pero nagnanasa ka pa rin sa iba, dagdagan mo ang panalangin at pagbubulay sa Salita ng Diyos.

Isa pa, huwag kang mangingiming konsultahin ang iyong pastor sa ano mang problema dahil iyan ang tungkulin ng mga church leaders para maging tuwid ang tinatahak na landas ng kanilang kasapi. Naniniwala akong hindi ka ibubulid sa kahihiyan ng iyong pastor.

Dr. Love

LOVE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with