^

Dr. Love

Taksil ba siya?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi, Dr. Love. Kumusta po? I am one of your thousands of readers. Tawagin mo na lang akong Jerwin, 20 anyos.

Kasalukuyan akong nagluluksa dahil namatay ang aking girlfriend sa isang aksidente sa kotse.  Limang buwan pa lang kami at mahal na mahal ko siya. Naipakilala ko na siya sa aking mga magulang at kapatid.

Ang masakit, naaksidente siya sa isang kotseng nahulog sa bangin kasama ang ibang lalaki at napabalita na ito’y kanyang kasintahan. Masakit sa akin ito dahil sabi niya, ako lang ang mahal niya.

Naging tampulan tuloy ako ng kantiyawan ng mga kaibigan ko, na alam na ang aming relasyon.

Hindi ko malaman kung kasusuklaman ko siya dahil nakatanim pa rin sa puso ko ang pagmamahal ko sa kanya.

Ano ang gagawin ko, Dr. Love?

Jerwin

Dear Jerwin,

Ngayong wala na ang iyong girlfriend, huwag mo nang itanim ang pagdaramdam sa iyong puso.

Isipin mo na lang na minsan sa buhay mo ay nagmahalan kayo. Maaaring ‘yung balita na boyfriend niya ang kanyang kasama sa sasakyan ay isa lang misinformation.

Kalimutan mo na iyon at mag-move on ka na.

Dr. Love

 

ANG

ANO

DEAR JERWIN

DR. LOVE

ISIPIN

JERWIN

KALIMUTAN

KASALUKUYAN

KUMUSTA

LIMANG

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with