Nadulas si Mister kaya bistong may kabet
(Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2015 - 10:00am

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati sa iyo, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Lucy, 24-anyos at may asawa’t limang anak.

Papunta na sa sampung pagsasama ang relas­yon naming mag-asawa. Maligaya naman ako sa mga nagdaang panahon namin ni Mike hanggang sa mag-umpisa ang problema namin, last year.

Wala nang kapatapusan ang mga dahilan niya sa halos araw-araw na atrasadong uwi niya. Madalas ay talagang hindi na kapani-paniwala ang mga alibi niya. Tunay na kusa nang nahuhuli sa sarili niyang dila ang nagkukubli ng katotohanan.

Nadulas na po si Mike na may babae siya. Parang gumuho po ang mundo ko nang sanda­ling iyon. Hindi ko alam na mas may matindi pang pasakit. Dahil kalaunan ay nalaman kong may 1 taong gulang na anak siya sa kanyang kerida. 

Para po akong mababaliw sa sakit, Dr. Love. Hindi ko naman makita kung saang bahagi ng aming pagsasama ang naging pagkukulang ko. Dahil simula nang ikasal kami ay umiikot lang ang mundo ko sa aking mag-aama.

Hindi po ako sigurado kung magagawa ko pang makisamang muli kay Mike, ang natitiyak ko po ngayon ay ayaw ko na siyang makita pa. Ipapa-annul ko po ang aming kasal. May katwiran po ba ako? Sa pagkakaalam ko po ay isang ground dito ang infidelity. Pagpayuhan po ninyo ako.

Lucy

 

Dear Lucy,

Isang ground sa annulment ang marital infidelity. Alam mo, naiintidihan ko na hindi biro sa sinumang maybahay na malamang hindi kuntento sa kanila ang mister nila. Pero ang payo ko lang, sikapin mo na makapagpalamig muna. Huwag mong hayaang makapagbitaw ka ng desisyon habang balot pa ng sama ng loob ang dibdib mo. Kapag kalmado na ang lahat ay sikapin mo na makapag-usap kayong mag-asawa. Linawin mo sa kanya ang lumalabong samahan ninyo at subukang ikonsidera ang kapakanan ng inyong mga anak.

Kung pwede pang ayusin ang lahat, mas mabuti. Saka mo na gawing option ang pakikipaghiwalay, dahil tanging mga anak mo ang talunan sa bagay na ‘yan.       

Dr. Love

 

ACIRC ALAM ANG DAHIL DEAR LUCY DR. LOVE HINDI HUWAG IPAPA ISANG NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with