Imbitasyon ni bayaw
Dear Dr. Love,
Isang magandang balita sana ang alok na trabaho ng aking bayaw sa imbitasyon niyang magpunta ako sa kanila sa Toronto, Canada. Kaya lang ang problema ko ang magiging proÂseso, Dr. Love. Dahil para maging agaran ang aking approval ay kailangan i-declare niya ako bilang fiancé.
Ang proposal na ito na marriage for convenience ng aking bayaw, bunsong kapatid ng yumao kong asawa ay suportado ng aking biyaÂnan. Diborsiyado po siya na bagama’t may dalawang anak na dalaga na ay hindi naman maasahan sa pag-aalaga sa kanya.
Sumailalim po kasi siya sa triple bypass at ako naman ay dating nurse, na nag-aral na rin ng caregiver bilang alternatibo na mapapaÂsukan dahil mahirap nang mag-nurse sa abroad.
May dalawang anak ako na pangunaÂhing ikinukonsidera ko sa oportunidad na ito na makaÂpagtrabaho sa ibang bansa.
Ang nagbibigay po ng alinlangan sa akin ay ang pagtutol ng dalawang anak ni Manny at alam kong ang iba niyang kapatid ay naghaÂhangad na makapunta sa Canada kundi lang na-deny ang petisyon sa kanila.
Pero sa huli ay natuloy din po ang petisyon, na-interview na ako at pumasa na. Nakatakda akong umalis sa darating na Marso. Bagaman noong una pa lang ay ipinaliwanag ng biyanan ko na pwede naman makipag-divorce any time na gustuhin ko at sinabi rin ni Manny na walang magiÂging ibang kulay ang marriage for convenience na pinirÂmahan ko, maaari ko pang ipetisyon ang aking mga anak. Sa Abril na po ang kasal namin.
Ayaw ko pong isipin na matutuloy na nga ako ng pag-alis. Paano na nga kung hindi maÂging maÂganda ang bunga ng planong ito? Hingi ko po ang payo ninyo.
Gumagalang,
Melissa
Dear Melissa,
Nauuso nga ang ganyang arrangement sa makabagong panahon ngayon, lalo na sa ibang bansa. Naniniwala kasi ako na sagrado ang kasal at bukod sa pagmamahal ng tapat, wala nang iba pang dahilan dapat ang mairarason sa pagpasok ng sino man sa matrimonyong ito.
Pero wala sa akin ang huling desisyon, kundi na sa iyo. Ang tanging maipapayo ko, hingin mo ang patnubay ng ating Maykapal sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal para magkaroon ka ng wastong gabay sa bawat desisyong bibitiwan mo. Have a blessed New Year!
DR. LOVE
- Latest