^

Bansa

Tag-ulan dineklara na ng PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tag-ulan dineklara na ng PAGASA
Nakapayong na tumatawid ang mga pedestrian para hindi mabasa sa Aurora Boulevard, Quezon City. Idineklara na kahapon ng PAGASA ang simula ng panahon ng tag-ulan.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pormal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Ayon sa weather bureau, ang kalat-kalat na pag-ulan, mga thunderstorms at ang pagpasok ng bagyong Aghon gayundin ng Southwest Monsoon (Habagat) sa nakalipas na araw ang nagdala ng mga pag-uulan sa western sections ng Luzon at Visayas na nagpapakita ng pagsisimula ng rainy season.

Inihayag din ng PAGASA ang mataas na tsansa ng pagpasok ng La Niña sa Hulyo, Agosto at Setyembre na sa pagkakataong ito ay inaasahan ang mas maraming ulan kaysa sa normal na nararanasang pag-ulan sa panahon ng tag-ulan hanggang sa pagtatapos ng 2024.

Samantala, may mararanasan ding monsoon breaks sa panahong ito.

Nagpaalala ang PAGASA na palagiang maghanda at magsagawa ng precautionary measures upang maibsan ang impact ng rainy season, habagat at ang pagpasok ng La Niña na magdudulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa pag-uulan.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with