^

Bansa

Pangulong Marcos: Bantang aresto ng China sa mangingisda sa West Philippine Sea, nakakabahala

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Bantang aresto ng China sa mangingisda sa West Philippine Sea, nakakabahala
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on May 18, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong patakaran ng China na hulihin ang sinuman na trespassers sa bahagi ng karagatan ng South China Sea.

Sa Kapihan with the media sa Brunei, sinabi ng Pangulo na pinapalala ng China ang tensyon sa SCS dahil sa bagong inilabas na patakaran.

Sa kabila nito, sinabi ng Pangulo na wala namang bago sa ginagawa ng China subalit ang polisiya na may pagba­banta na ikukulong ang mga Filipino na mahuhuling trespassers ay magpapalala lang sa sitwasyon at nakakabahala.

“There’s an extension again on their claim that this is all the maritime territory of China so it’s just, it’s nothing new. There are sometimes there are fishing bans because they are because of the season and it’s something that has happened before. But the new policy of threatening to detain our own citizens, that is different. That is an escalation of the situation. It is very worrisome,” ayon pa kay Marcos.

Paliwanag naman ng Pangulo na may ginagawang back channel na pag-uusap para pakalmahin ang sitwasyon.

Subalit giit ng Presidente kailangang mahinto ang pagi­ging agresibo ng China tulad ng water cannoning, lasers, barrier putting at ang pagharang sa mga mangingisdang Pinoy.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with