Pagbabago ng liderato ng Senado nagbigay pag-asa sa economic Cha-cha
MANILA, Philippines — Ang pagbabago sa liderato ng Senado ay nagbigay umano ng pag-asa na matuloy na ang panukala na amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution, ayon sa beteranong abugado at kongresista na si Rep. Edcel Lagman ng Albay.
“Itong usapin sa Cha-cha ay tapos na sa Mababang Kapulungan (ng Kongreso) and I have said my piece then and it’s always possible that a change of leadership will also enhance the chances of Charter change,” ani Lagman bilang tugon sa tanong sa isang press conference kung saan natalakay ang pag-apruba ng Kamara sa Divorce bill.
“But let us wait and see. Let the development unfold in the Senate because the House has already approved the Cha-cha resolution,” sabi nito.
Ang tinutukoy ni Lagman ay ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, ang bersyon ng panukalang amyenda sa economic provision ng 1987 Constitution na inaprubahan ng Kamara.
Ang Senado ay mayroong katulad na bersyon—ang RBH 6, na akda nina dating Senate President Juan Miguel Zubiri at Sens. Loren Legarda at Juan Edgardo Angara.
Sa isyu kung ang pagboto sa panukalang Charter change ay magkahiwalay o magkasama, sinabi ni Lagman na ito ay maaaring resolbahin ng Korte Suprema.
“Iba ‘yung trabaho ng Kongreso. Sapagkat sa Kongreso, kami ay nagle-legislate ng batas. Iba rin ‘yung trabaho ng constituent assembly na mag-propose ng amendments to the Constitution. Kaya duon natin makikita ang pagkaiba. Whether it is joint or separate, palagay ko hindi matatapos ang debate among us. Among senators and congressmen baka umabot sa Korte Suprema,” dagdag pa ni Lagman.
Sa isang forum noong Marso sa San Juan, sinabi ni Lagman na dapat mag-usap ang Senado at Kamara upang resolbahin kung papaano pagbobotohan ang panukalang Charter change.
- Latest