Senado mag-executive session sa totoong identity ni Mayor Guo
MANILA, Philippines — Magdaraos ng executive session ang Senate Committee on Women and Children kasama ang mga intelligence official para matukoy ang totoong pagkakakilanlan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
“Habang tumatakbo itong adjournment namin, magsasagawa na kami ng executive session at palagay ko, na executive session na iyan, mas marami pong lalabas talaga at ma-establish tungkol sa kanyang connection sa POGO, sa criminal connections, at pati sa kanyang hindi maipaliwanag na kayamanan,” ani Sen. Risa Hontiveros.
Sinabi ni Hontiveros na halata namang nagsisinungaling si Guo kaya paikot-ikot lang ang sagot.
Nilinaw din niya na ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa POGO na nauwi sa personalidad ni Mayor Guo ay hindi pag-atake sa mga Filipino na may Chinese heritage dahil ang kanyang great-grandmother ay isang pure Chinese.
Idinagdag ni Hontiveros na ang mga rebelasyon tungkol kay Guo ay lumabas matapos siyang makaladkad sa mga POGO-related crimes.
- Latest