^

Bansa

Pangulong Marcos suportado liderato ni Escudero

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos suportado liderato ni Escudero
The Senate holds a plenary session on the changes of leadership and positions among the members of the upper chamber of the Congress on May 20, 2024.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tiwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bibigyang prayoridad ni bagong Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga panukalang batas na magsusulong ng Bagong Pilipinas.

Suportado rin ng Pa­ngulo ang liderato ni Escudero, dahil hindi maikakaila na kahanga-hanga ang legislative record ng senador.

“I extend my support to the new Senate President, Chiz Escudero. His legis­lative record and commitment to public service have distinguished him as a dedicated leader,” pahayag ng Pangulo.

Si Escudero ay isang batikang abogado at nagsilbing kongresista ng Sorsogon bago nahalal na senador.

Nagbitiw nitong Lunes si Sen. Juan Miguel Zubiri bilang Senate president at nahalal si Escudero kapalit niya.

Dahil naman sa pagbabago ng liderato kaya nagkaroon din ng rigodon sa Senado kung saan nahalal sina Sen. Jinggoy Estrada bilang Senate Pro Tempore habang si Sen. Francis Tolentino ang bagong Senate Majority Leader at si Sen. Alan Peter Cayetano, ang bagong chairman ng Committee on Accounts.

vuukle comment

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with