Iranian President patay sa helicopter crash!
MANILA, Philippines — Nasawi si Iranian President Ebrahim Raisi at ang kanyang Foreign Minister na si Hossein Amir-Abdollahian matapos na mag-crash ang helicopter na kanyang sinasakyan sa bulubunduking lugar malapit sa Azerbaijan border.
Base sa ulat, lahat ng sakay ng helicopter ay nasawi at 8 iba pa nang mag-crash ang sinasakyang helicopter.
Lumalabas sa mga ulat na patungo sa East Azerbaijan ang Bell 212 helicopter nang ito ay bumagsak malapit sa lungsod ng Jolfa, na may distansiyang halos 600 kilometro mula sa Tehran na kabisera ng Iran.
Si Raisi ay dating chief justice at naging pangulo ng Iran noong 2021.
Kasunod naman ni Raisi sa posisyon si Vice president Mohammad Moghber, subalit ang pagtatalaga ng presidente ay nasa kamay ni Supreme Court leader Ayatollah Khamenei.
Samantala, sa post sa social media ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nakiramay ito sa Islamic Repubic of Iran lalo na sa pamilya ni Raisi, Amir-Abdollahian at sa mga kasamang nasawi sa trahedya.
- Latest