Bamban Mayor wala ng power sa mga pulis – DILG
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na tuluyan nang inalis kay Bamban Mayor Alice Guo ang kontrol sa mga pulis sa nasabing bayan.
Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni Abalos na ang pagtatanggal sa kapangyarihan ni Guo sa mga pulis ay kasunod ng kwestiyunableng nationality nito at umano’y posibleng koneksyon sa mga ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kanyang nasasakupan.
Sinabi ni Abalos na binigyan na niya ng direktiba ang National Police Commission (Napolcom) para sa withdrawal ng police power ng alkalde. Sa ngayon, kontrolado ng local officials ang mga pulis.
“I have instructed the Napolcom to initiate proceedings for the withdrawal of the mayor’s deputization, ibig sabihin nito pagkatapos ng imbestigasyon na ito with sufficient grounds we would withdraw the deputization of Mayor Guo as the consequences of the privileges attached dito are revoked immediately including its control and supervision of its local police,”ani Abalos.
Matatandaang inirekomenda ng DILG sa Ombudsman ang preventive suspension sa alkalde kasabay ng pagbuo ng Special Task Force dahil walang kakayahan ang DILG upang tingnan ang umano’y kaugnayan niya sa POGO hub sa kanyang bayan.
Paglilinaw naman ng kalihim na bumuo sila ng Special Task Force sapagkat wala umanong kakayahan ang DILG na isuspinde ang naturang alkalde.
Kasabay nito, anumang oras ay isasampa ang kaukulang kaso laban kay Guo.
Matatandaan na ginisa si Guo sa Senate hearing matapos masangkot sa operasyon ng POGO Hub sa Bamban, Tarlac. Dahil dito, kinuwestiyon din ang kanyang background.
- Latest