Gobyerno naghahanda na vs La Niña
MANILA, Philippines — Nagbabala si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na tutugisin ang mga hoarders at price manipulators na nagsasamantala sa mga konsyumer ngayong naghahanda na ang gobyerno sa pagpasok ng La Niña phenomenon.
Sinabi ni Teodoro na handa silang magkaloob ng suporta sa mga ahensiya sa price monitoring ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan.
Ayon kay Teodoro, chairperson ng Presidential Task Force on El Niño, ang pagsawata sa pagmamanipula ng presyo at pagpapanagot sa mga hoarders ay kabilang sa mga magiging tugon at prayoridad ng gobyerno.
“Access to affordable basic commodities such as rice is exceptionally crucial to millions of Filipino consumers. Any sudden fluctuation in the price of rice resonates on the daily lives of Filipinos,” saad ni Teodoro.
Anuman ang suportang kailangan ng Department of Trade and Industry at Department of Agriculture ay handa silang umasiste sa mga ito.
Binigyang diin ng Kalihim ang matinding pangangailangan na mapigilan ang pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado upang protektahan ang mga konsyumer laban sa mga mapagsamantalang negosyante sa panahon na dumaranas ng hagupit ng La Niña ang bansa.
- Latest