Mga sundalo pinaghahanda vs digital warfare
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga sundalo na maging handa sa mga nagbabagong hamon sa lipunan.
Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo sa 4th Infantry Division sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro City.
Ayon sa Pangulo, dapat na labanan na rin ngayon ang mga disinformation at false narratives.
Kaya panawagan niya sa mga sundalo, aralin ang mga bagong kaalaman sa bagong uri ng warfare partikular na sa digital space.
Dapat na labanan na rin ang digital operation na naglalayong maghasik ng gulo at hatiin ang mga Filipino.
Palihim aniyang papasukin ng mga kalaban ang mga komunidad at mga institusyon na pinoprotektahan ng mga sundalo.
“The intensifying geopolitical tension in Indo-Pacific resulted in hostile efforts by or with the substantial support of a foreign government to influence the domestic narrative and discourse,” pahayag niya.
Bilin pa ni Pangulong Marcos sa mga sundalo, ipagpatuloy ang momentum sa mga operasyon hanggat nalilinis ang isang komunidad sa impluwensya ng mga terorista.
- Latest