^

Bansa

Batang bingi muling nakarinig sa tulong ng Malasakit Center

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nadurog ang puso ni Maan Anthonette Ronquillo nang malaman niya na ang kanyang 2-anyos anak na babae, si Sian Alessandria, ay na-diagnose na may bilateral profound hearing loss.

Ang katotohanang ito na ang kanyang anak na babae ay bingi at hindi makapagsalita ay napakasaklap para kay Maan.

Ang tanging pag-asa para kay Sian ay isang magastos na implant ng cochlear, isang pamamaraan na hirap maabot ng pamilya Ronquillo.

“Nawalan po ako ng pag-asa kasi… hindi po biro ‘yung presyo para po sa implant po ng anak ko,” sabi ni Maan.

Noong Hulyo 2023, nagkaroon ng pagkakataon si Maan na makilala si Senator Christopher “Bong” Go, ama ng Malasakit Center Program.

Matagal nang nagsisikap si Sen. Go sa mga hakbang na nakatutulong upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

“Unang-una po talaga nasa isip ko ang paglapit kay Senator (Go) kasi alam ko po siya po ‘yung unang-unang makatutulong po para sa anak ko, sa kanya po ­talaga kami lumapit. At ‘di po ako nagkamali kasi po talagang malaki po ‘yung naitulong n’ya,” sabi ni Maan.

At sa tulong nga ng Malasakit Cente sa ospital, sumailalim ang anak ni Maan sa isang operasyon na nagpabago sa buhay ng paslit.

“Kayo po ‘yung naging daan para mabago niyo po ‘yung buhay ng baby ko at mabigyan po siya ng magandang future. Dahil po sa tulong ninyo, nakariri­nig na po ‘yung anak ko. Maraming salamat po Senator Bong Go,” ani Maan.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019.

Sa ngayon, may 165 Malasakit Centers ang ope­rational sa buong bansa na tumutulong sa mga gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente.

Samantala, nananati­ling mapagkumbaba si Go sa kabila ng umaapaw na papuri at pasasalamat na natatanggap niya dahil sa tagumpay ng Malasakit Center. Iginiit niya na ang tunay na pasasalamat ay para sa mga taong nagbibigay sa kanya ng pagkakataong makapaglingkod.

vuukle comment

ANTHONETTE RONQUILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with