^

Bansa

‘Pag napatunayang nag-wiretapped, Chinese embassy staff palayasin, bawasan

Pilipino Star Ngayon
�Pag napatunayang nag-wiretapped, Chinese embassy staff palayasin, bawasan
Senator Francis Tolentino on March 18, 2024.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Sinabi ni Senator Francis Tolentino na maaring ma-expelled o mabawasan ang staff ng Chinese embassy o kaya’y maghain muli ang Pilipinas ng diplomatic protest sakaling mapatunayan na nag-wiretapped ang embahada ng China sa militar ng bansa.

Ito ang nakikita ni Tolentino na maaring parusa kapag napatunayan na nag-wiretapping ang Chinese embassy ukol sa transcript at audio recording ng umano’y phone conversation sa pagitan ng mga opisyal ng China at ni Armed Forces of the Philippines Western Command chief, Vice Admiral Alberto Carlos kaugnay sa “new model” ng resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Tolentino, maaaring expulsions ng non-diplomatic staff kabilang ang administrative, technical at service personnel ng embahada ng China kung lumabag ito sa anti-wiretapping law ng Pilipinas.

Paliwanag ni Tolentino, may tenure o term ang mga staff ng mga embahada kaya maaring hindi na i-renew ng Philippine government ang visa ng mga staff bilang parusa.

Aminado si Tolentino na ang kanyang nabanggit ay maaring maging parusa at walang imprisonment.

Una nang nanawagan si Tolentino sa Senate committee on national defense na imbestigahan ang umano’y wiretapping ng Chinese embassy sa isang opisyal ng AFP-Western Command.

Pinaimbitahan na ni Tolentino ang Chinese embassy para sa ipinatawag na pagdinig sa Senado.

vuukle comment

FRANCIS TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with