^

Bansa

‘El Niño’ humihina na, posibleng matapos sa Hunyo — PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�El Niño� humihina na, posibleng matapos sa Hunyo � PAGASA
Locals walk over the dry part of Intang Lake in Pantabangan, Nueva Ecija on April 22, 2024.
STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Tinaya ng PAGASA na matatapos na ang pag-iral ng El Niño Phenomenon sa bansa dahil sa patuloy na paghina nito sa ngayon.

Ayon kay Benison Estareja, weather specialist, oras na mawala na ang El Niño ay babalik na ulit sa normal o neutral ang temperatura ng bansa.

Gayunman, sinabi ni Estareja na ang epekto ng El Niño ay maaari pa ring makaapekto at maaari pa ring magtagal ang kakulangan ng ulan hanggang sa susunod na buwan.

Una nang sinabi ng PAGASA na may isa hanggang dalawang bagyo ang papasok sa bansa bago matapos ang Mayo pero hindi ito direktang makakaapekto sa bansa.

Binigyang diin din ni Estareja na ang nangyayari ngayon ay epekto ng global warming.

“So ibig sabihin possible na mas maging drastic ‘yung impact in terms of lakas ng mga bagyo, in terms of pagtaas ng sea level natin, and then ‘yung mga different effects pa like ‘yung mas madalas na heat wave, mas madalas na drought o tagtuyot in the coming decades,” dagdag ni Estareja.

vuukle comment

EL NIñO

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with