Pagbalik ng Pinas sa ICC, daraan sa Senado

Ito ay matapos na umalis ang bansa sa organisasyon noong panahon ng dating administrasyong Duterte.
International Criminal Court FB Page

MANILA, Philippines — Daraan sa pag-apruba ng Senado sakaling magdesisyon ang pamahalaan na muling bumalik ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Senator Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, magmimistulang bagong pasok ang Pilipinas na miyembro ng ICC kung babalik muli.

Ito ay matapos na umalis ang bansa sa organisasyon noong panahon ng dating administrasyong Duterte.

At bilang isang tratado, kailangan anyang dumaan ito sa concurrence o pagsang-ayon ng Senado.

Naunang nagpahayag si DOJ Asec. Mico Clavano na kabilang sa option na kanilang ipiprisinta kay Pangu­long Bongbong Marcos ay ang posibilidad na ibalik ang Pilipinas sa ICC.

Nauna namang umapela sina Angara at Sen. Nancy Binay na mag-ceasefire na ang kampo nila PBBM at mga Duterte dahil hindi ito nakakatulong sa pagresolba ng mga isyu sa bansa tulad ng inflation at national security.

Show comments