103 lugar nasa state of calamity sa El Niño
MANILA, Philippines — Umabot na sa 103 lugar sa buong bansa ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Nin?o.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary at tagapagsalita ng Task Force El Niño Joey Villarama na base sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) kasama sa naturang bilang ang cities, municipalities at limang probinsya kabilang dito ang Occidental Mindoro na pinuntahan ni Pangulong Marcos, Antique,Sultan Kudarat; Basilan at Maguindanao del Sur.
Batay din sa heat index forecast ng PAGASA, pumalo sa hanggang 46°C ang pinakamataas na heat index o init ng pakiramdam sa katawan ang naitala sa Pili, Camarines Sur kahapon.
Bukod dito, hanggang 42-46°C heat index din ang naitala sa 30 lugar sa bansa. Kabilang na rito ang Metro Manila na umabot sa 43-44°C.
Ayon sa PAGASA, pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Una nang nagbabala ang PAGASA na mas titindi pa ang init na mararamdaman sa bansa pagdating ng buwan ng Mayo dulot ng summer season kasabay ng El Niño Phenomenon o tagtuyot.
Nitong Martes, umabot sa 48°C ang naitalang pinakamataas na damang init o heat index sa bahagi ng Cagayan habang sa Cavite ay 47°C.
Samantala, base sa pinakahuling datos na galing sa Department of Agriculture (DA) nasa P3.94 bilyon na ang danyos sa agrikultura na 66,000 ektarya ng lupain.
Nilinaw naman ni Villarama na ang 78% ng 66,000 ektarya ay may tsansa pa na marecover o masalvage ang mga pananim doon kahit tuyong tuyo na ang lupa at maaaring ipakain pa sa mga hayop.
- Latest