^

Bansa

ACT-Agri katuwang ni Marcos sa distribusyon ng ayuda sa Mindoro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasama ang ACT-Agri Kaagapay Organization ng Pangulong. Ferdinand Marcos Jr. sa pamamahagi ng financial assistance at iba pang serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ang Pangulo, kasama sina Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano, San Jose Mayor Rey Ladaga at Act Agri-Kaagapay president Virginia Ledesma Rodriguez ay nagtungo sa Bgy. San Jose kung saan mahigit sa 1,500 benepisyaryo ang nabigyan ng financial aid, habang ang mga magsasaka ay nabiyayaan din ng fuel subsidy.

Sa nasabing aktibidad, personal namang binigyan ni Rodriguez, ng iniakda niyang librong “Leave Nobody Hungry”, si Pang. Marcos na malugod itong tinanggap.

Nagpasalamat din ang Pangulo kay Rodriguez sa kanyang kontribusyon sa pagkakaloob ng kaalaman at awareness sa mga magsasaka hinggil sa paggamit ng organic fertilizers at modern farming equipment para mapataas ang ani ng mga magsasaka sa bansa.

Ang Act Agri-Kaagapay organization ay non-­government non-profit agency na nagkakaloob ng financial aid para sa mga indibidwal na kabilang sa mahihirap, marginalized, vulnerable, at disadvantaged sector.

“We are very thankful to President Marcos for ­giving his time to visit Occidental Mindoro despite the extreme heat just to meet and greet the farmers and ordinary people in San Jose, Occidental Mindoro,” ani Rodriguez.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with