2 lugar nagtala ng 45 Celsius init
MANILA, Philippines — Dalawang lugar sa bansa ang nagtala ng pinakamataas na heat index kahapon.
Batay sa forecast ng PAGASA, nagtala ng pinaka-mainit na panahon sa Roxas City Capiz at Zamboanga City, Zamboanga del Sur na pawang nagtala ng 45 degrees celcius.
Ang dalawang lugar ay kasama sa 25 lugar na dumanas ng mataas na heat index kahapon.
Umaabot naman sa 44°C heat index o antas ng temperatura ang naitala sa Dagupan City, Pangasinan; Puerto Princesa City at Aborlan - Palawan; Virac, Catanduanes; at Pili, Camarines Sur.
Habang 43°C heat index naman sa bahagi ng Muñoz, Nueva ecija; Sangley Point Cavite; San Jose Occidental Mindoro; Iloilo City, Iloilo; Guiuan Eastern Samar; Dipolog, Zamboanga del Norte; Cotabato City, Maguindanao; at Butuan City, Agusan del Norte.
Naitala naman ang 42°c sa 10 pang lalawigan.
Ayon sa PAGASA, itinuturing na dangerous level ang mataas na heat index kaya kinakailangan ng agarang extreme caution.
Pinaalalahanan ang publiko na limitahan ang aktibidad sa labas ng bahay; iwasan ang matagal na pagkababad sa init ng araw; uminom ng maraming tubig; magsuot ng preskong damit upang maibsan ang epekto ng mainit na panahon.
- Latest