DMW: Wala pang ulat na may Pinoy na nadamay sa lindol sa Taiwan
MANILA, Philippines — Wala pa umanong natatanggap na anumang ulat ang Department of Migrant Workers (DMW) na may mga Pinoy na nasaktan o nasugatan sa mga lindol na yumanig sa Taiwan kahapon.
Sa abiso ng DMW, kaagad na isinailalim sa alerto ang Migrant Workers Offices (MWOs) sa Taiwan kasunod ng serye ng mga paglindol sa Hualien County, kung saan ang pinakamalakas ay umabot ng magnitude 6.3.
“The Department of Migrant Workers (DMW) places on alert its Migrant Workers Offices (MWOs) in Taiwan after magnitude 6.0 and 6.3 earthquakes shook Hualien County in eastern Taiwan at 2:26 and 2:32 this morning,” anang DMW.
“Initial reports from Filipino communities and leaders in Hualien County says MWO-Taipei indicate no overseas Filipino workers (OFWs) injured,” anya pa.
- Latest