Luzon, Visayas grid, inilagay ulit sa yellow alert - NGCP
MANILA, Philippines — Muling isinailalim sa Yellow Alert status kahapon ang Visayas grid mula ala-1 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines ( NGCP), ito’y dahil sa force outage ng 20 power plant sa Visayas habang 9 ang nasa derated capacity.
Sa datos ng NGCP, kapos ang grid ng nasa 604.4 megawatts na suplay ng kuryente dahil ang available capacity sa nasabing oras ay nasa 2,742 megawatts lamang habang ang peak demand ay umaabot sa 2,571 megawatts.
Nauna nang isinailalim sa Yellow Alert ang Luzon Grid dahil din sa pagnipis ng reserba ng kuryente.
Ayon sa NGCP, nawalan ng 1,518 megawatts ang grid dahil nasa 18 power plants ang naka-forced outage, habang 2 pa ang kapos sa kapasidad.
- Latest