^

Bansa

Philippines-US Balikatan war games arangkada na!

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Philippines-US Balikatan war games arangkada na!
Officials of the Philippines and the US military attend the opening of the 2024 Balikatan Exercises at Camp Aguinaldo in Quezon City on April 22, 2024.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang pinakamalaking Balikatan joint military exer­cises 2024 sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US military.

“As the chief of staff of the Armed Forces of the Philippines, I officially declare the Philippines-United States exercise, Balikatan 39-2024, open effective today,” pahayag naman ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa opening ceremony sa Camp Aguinaldo.

Tiniyak naman ni PNP-Special Action Force (SAF) Director Police Major Gene­ral Bernard Banac na handang-handa nang sumabak sa Balikatan Exercises ang nasa mahigit 150 SAF troopers.

Isasagawa ang 39th Balikatan o bilateral training exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika mula Abril 22 – Mayo 10 sa Northern Luzon at Palawan.

Ang pagsasanay ay magandang pagkakataon para mag-obserba at makakuha ng karanasan sa mga operasyon sa dagat, langit at lupa, command control, at cybersecurity.

Una nang nagpakita ng galing ang SAF troopers ng bansa sa ginawa nitong Basic Airborne Course Class 57-2024 sa Fort Sto. Domingo, Sta Rosa City, Laguna noong Abril 11, ilang araw bago ang pormal na pagsisimula ng Balikatan 2024.

Sinabi ni Banac na bilang rapid-deployment Force ng PNP, mahalaga ang partisipasyon ng SAF sa mga pagsasanay katulad ng Balikatan para mapahusay ang kanilang kahandaan sa internal security operations, counter terrorism, at humanitarian activities.

Magiging pagkakataon din aniya ito para itanghal ang kasanayan ng SAF sa rapid deployment at “precision operations.”

Nasa 16,000 Phl at US troops ang magpapartisipa sa war games.

Nasa 14 bansa na kinabibilangan ng Britain, Brunei, France, Canada, Germany, India, Indonesia, Japan, Malaysia,New Zealand, South Korea, Singapore, Thailand at Vietnam ang magsisilbing observers.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with