^

Bansa

Online site blocking bill kontra digital piracy isinusulong

Philstar.com

MANILA, Philippines – Nagkakaisa sa kanilang posisyon ang ilang stakeholders sa creative industry na rebisahin ang 27-year-old Intellectual Property Code upang magkaroon ng puwang ang mga probisyon na tutugon sa paglaganap ng online piracy sa pamamagitan ng pagharang sa unauthorized downloading o streaming ng internet contents.

Sa consultative discussion kay Sen. Mark Villar noong weekend, nagsalitan ang mga kinatawan kapwa ng pribado at pampublikong sektor sa paggiit sa pangangailangan na labanan ang online piracy na, ayon sa mga pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022, ay nagdulot ng revenue leakage na hindi bababa sa $1 billion.

Nakatakda sanang simulan ni Villar, chairman ng Senate committee on trade, commerce and entrepreneurship, sa Martes, April 23, ang serye ng public deliberations sa dalawang bills na naglalayong repasuhin ang IP Code, subalit ang pagsasagawa ng naturang Senate hearings ay iniurong sa ibang araw.

Batay sa report, ang talakayan sa pagitan ni Villar at ng mga kinatawan ng IT-related governmet agencies at advocacy groups ay nakasentro sa exponential impact ng online piracy sa creative industry at copyright-related industries na bumubuo sa 7.1% ng gross domesric product (GDP) ng bansa.

Ipinabatid ng resource persons sa komite ni Villar na bukod sa pagkawala ng kita, ang talamak na pagnanakaw ng digital contents ay nagresulta rin sa pagkawala ng kita mula sa gov’t taxes at ng kabuhayan dahil ang online piracy ay sagabal sa creatives, artists at content producers.

Ipinaalam din ng mga resource person kay Villar ang banta ng internet piracy sa mga gumagamit ng pirated contents tulad ng serious malware infection na maaaring gamitin sa ilang cyber scams.

Iprinisinta rin sa consultative meeting ang comparative study sa mga bansa kung saan ipinatutupad ang online site blocking.

“Where unauthorized downloading or streaming of pirated contents were blocked a drastic decline in the incidence of digital theft had been observed, as well as a change in in the behavior of the consuming public leading to the eventual growth of legal content providers.”

Lumitaw rin sa parehong pag-aaral na lumipat ang mga viewer sa legal content subscriptions makaraang isulong ang online site blocking.

Lumabas pa sa pag-aaral na 92% ng mga respondent sa Pilipinas ay may negative attitude sa online piracy at nagpapakita ng kahandaan ng mga Pilipino na magbayad para sa legal sites upang maka-access sa online contents.

Sa panig naman ng Intellectual Property Office of the Philippines, ipinaalam nito sa komite ni Villar na matagal na nilang isinusulong ang pag-amyenda sa Code nito upang ipasok ang mga probisyon na magpapahintulot sa IPOPHL na i-disable ang access sa online sites na lumalabag sa copyrighted materials.

Kumpiyansa ang mga kinatawan ng internet service providers na mareresolba ng online site blocking ang karamihan sa mga isyu, subalit binigyang-diin na ang iba pang alalahanin tulad ng detection at reporting ay mahalagang sangkap din sa pagtugon sa online piracy.

Nagpahayag naman ng suporta ang mga opisyal mula sa Department of Information and Communication Technology at ang mga law enforcer na dumalo sa consultative meeting sa giyera kontra digital piracy.

Binigyang-diin din ng mga dumalo sa talakayan ang pangangailangan na ipasa ang site blocking law bilang epektibong kasangkapan upang masugpo ang piracy, pinatutungkulan ang Senate Bill Nos. 2150 at 2385.

Layon ng dalawang bills na ito na amyendahan ang IP Code at alisin ang mga umiiral na probisyon na naglilimita sa kapangyarihan upang saklawin ang electronic at online content “within the definition of pirated goods.”

vuukle comment

INTERNET

ONLINE PIRACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with