^

Bansa

Init titindi pa sa 16 lugar – PAGASA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Init titindi pa sa 16 lugar � PAGASA
Ito’y ayon sa PAGASA, sa posibilidad na maitala ngayong araw sa 16 na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o “dangerous heat index”.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Pinapayuhan ng Philippine Atmospheric Geophy­sical Astronomical Service Administration (PAGASA) ang publiko na mas marami pang tubig ang inumin araw-araw bunsod ng mas tumitinding init ng panahon.

Ito’y ayon sa PAGASA, sa posibilidad na maitala ngayong araw sa 16 na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o “dangerous heat index”.

Sa huling monitoring ng PAGASA-DOST, inaasahang papalo sa 42°C sa Metro Manila habang pinakamainit na 45°C ang heat index sa Roxas City, Capiz; 44°C sa Puerto Princesa at Aborlan, Palawan maging sa Guiuan, Eastern Samar.

Nasa 43°C naman ang posibleng maranasan sa Dagupan City, Pangasinan at Catarman Northern Samar; 42°C sa Metro Manila at Bacnotan, La Union; Aparri at Tuguegarao sa Cagayan; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Tanauan­ Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Pili, Camarines Sur; Iloilo City at Dumangas, Iloilo.

Ang dangerous heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C na posibleng magdulot ng matin­ding pagkapagod, heat cramps at heat stroke sa tao.

Dagdag ng PAGASA na panatilihing nasa malilim na lugar, nakasuot ng komportableng damit at ugaliin ang madalas na pag-inom ng tubig.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with