Vice President Sara pinagbibitiw bilang DepEd chief
MANILA, Philippines — Hinamon ng isang kongresista si Vice President Sara Duterte na magbitiw na sa puwesto bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).
“The Vice President should show some decency by resigning from her DepEd post at the very least,” ani Manila 3rd District Rep. Joel Chua.
Ginawa ni Chua ang pahayag kasunod ng sinabi ni First Lady Liza Araneta Marcos na ‘bad shot” na sa kaniya si Sara matapos sabihin ng ama nitong si dating pangulong Rodrigo Duterte na “bangag” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bukod dito ay dumadalo rin aniya sa mga prayer rally ng mga supporters ni Digong si Sara kung saan nauuwi ito sa ‘political agenda’ sa pagbatikos at pagmumura sa administrasyong Marcos ng mga miyembro ng pamilya Duterte.
Ayon pa kay Chua, nanahimik si Sara habang ang kaniyang pamilya ay binabanatan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at wala ring ginawa upang ipagtanggol ang Pilipinas laban sa mga agresibong hakbang ng China laban sa mga Pilipino sa West Philippine Sea.
“Her (VP Sara’s family unleashed a barrage of insults and attacks directly to the President and yet she does nothing and is still enjoying the perks of being part of the official family,” Kongresista.
“She should draw the line instead of pretending to be a full partner of the President,” anang solon.
Ipinunto ni Chua na habang walang ginagawa si Duterte laban sa mga insulto at atake ng kaniyang pamilya sa Pangulo ay patuloy umano itong nakikinabang bilang bahagi ng opisyal ng pamilya ng Pangulo.
“She should draw the line instead of pretending to be a full partner of the President,” giit ni Chua.
Isa rin umanong pagsasayang ng oras ang ipinatutupad na Catch-up Fridays ng DepEd schools dahilan wala naman aniya itong resulta.
“Learning deficits from the pandemic are worsened by the continuing resort to modules and online classes which were ineffective during the pandemic and are still ineffective now,” ayon kay Chua.
“She cannot have the best of both worlds by being a fence sitter while her family and their allies challenge the authority and mandate of President Ferdinand Marcos Jr while having little to show for in terms of substantive results at the Department of Education, where she is Secretary,” punto pa ng solon.
- Latest