Problema sa trapik tinutugunan na – Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Tinutugunan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Sa isang video message, sinabi ng Pangulo na nagpalabas na siya ng Executive Order No. 56, na naglilimita sa paggamit sa protocol license plates at Administrative Order No. 18, na nagbabawal sa mga opisyal at personnel ng gobyerno na gumamit ng wang-wang, blinkers at iba pang signaling devices.
“After carefully considering your suggestions, I’m happy to announce a series of initiatives aimed at speeding up our traffic solutions para naman mapaganda ang buhay ng bawat Pilipino,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sinabi ng Pangulo na sa ilalim ng EO 56 ay binabawi na ng gobyerno ang mga expired special plate number na ibinigay sa mga dating opisyal ng gobyerno.
Mula sa 16 special plate number, ay ginawa na rin itong 14.
Bukod dito, inilabas din ang Administrative Order No. 18 na nagbabawal sa paggamit ng mga sirens, blinkers, at mga katulad na signalling devices ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.
“Sa madaling salita, bawal na ang ‘wang- wang’,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon pa kay Marcos, komprehensibo at holistic plan ang gagamitin ng pamahalaan sa pagtugon sa problema sa trapiko.
- Latest