3 Comelec officials nag-inspeksiyon ng counting machine plant sa Korea
MANILA, Philippines — Ininspeksiyon ng tatlong opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang planta ng Miru Systems Co., Ltd. Sa Pangyo Seongnam City, South Korea, nitong Biyernes.
Ang nasabing site visit ay isang mahalagang bahagi ng pagpapatupad ng kontrata sa pagitan ng COMELEC at Miru Joint Venture para sa FASTrAC Project.
Ang Comelec contingent sa pangunguna ni Commissioner Marlon S. Casquejo, Commissioner Aimee P. Ferolino, Commissioner Rey E. Bulay, ay nag-obserba sa produksyon ng initial batch ng automated counting machines na itinatayo ng Miru Systems Company Limited para sa 2025 midterm elections at kung kayang ideliber ang kabuuang 110,000 units.
Layunin din ng Comelec sa pagtungo sa South Korea na ipakita sa mga botanteng Pilipino na sila ang kinatawan para tiyakin ang pupuntahan ng pinaghirapang pera na ginagastos para sa mga makina.
Ipinakita ng ng mga opisyal ng Miru, sa pangunguna ni CEO Jinbok-Chung ang mga feature ng makina, kabilang ang mabilis na paraan ng paglalagay ng mga balota sa makina, summary ng mga boto na maaaring ipakita sa screen, at ang takip sa screen upang maiwasan ang pagsilip at ang hiwalay na lalagyan. para sa mga resibo ng balota.
Tiniyak din ng mga opisyal ng Miru sa Comelec commissioners na ang lahat ng bahagi ng mga counting machine ay ginawa sa South Korea at mas advanced ang teknolohiya kaysa sa mga makinang ginamit ng Pilipinas.
Kumpiyansa din ang kumpanya na gagana nang maayos ang kanilang mga makina dahil paulit-ulit na sinusubok ang mga ito.
- Latest