Red, yellow alerts itinaas ulit sa Luzon at Visayas
MANILA, Philippines — Itinaas ulit ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) sa red at yellow alerts ang Luzon at Visayas nang ang higit 30 planta ng kuryente ay hindi available.
Ayon sa NGCP, ang red alert status ay iniisyu kapag ang suplay ng kuryente ay kulang sa demand ng mga consumer at dahil sa transmission grid’s regulating requirement.
Ang yellow alert status ay naipalalabas kapag ang operating margin ay hindi sapat para makopo ang transmission grid’s contingency requirement.
Nasa 2,284.3 megawatts (MW) ng power supply ang unavailable para sa Luzon grid na ang 19 power plants ay nasa forced outage at ang tatlong iba pa ay binawasan ang output.
Sa Visayas grid, may 736.7MW ng power supply ay unavailable dahil ang 15 power plants ay offline habang ang 10 iba pa tumatakbo na may derated capacities.
Una nang sinabi ng Energy Regulatory Commission (ERC) na sila ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa issuance ng red at yellow alerts ngayong linggo at inaasahang mapaparusahan ang sinumang mapapatunayang may dahilan ng disruption ng electricity supply sa Luzon at Visayas.
- Latest