Pangulong Marcos inawat paghuli sa e-trikes, e-bikes sa Metro Manila
MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan na bigyan ng isang buwang palugit bago hulihin ang mga e-trikes, e-bikes, tricycles, pedicabs, pushcarts at iba pang mga katulad na sasakyan na dumaraan sa mga national, circumferential at radial roads sa Metro Manila.
Ayon sa Pangulo, kailangan pa na magbigay ng sapat na panahon para mapalakas ang information campaign at malaman ng publiko ang ban sa mga nabanggit na uri ng transportasyon sa mga pangunahing kalsada.
“Ngayong araw na ito, iniutos ko sa MMDA at sa lahat ng lokal na pamahaalan sa Metro Manila na bigyan ng palugit ang mga e-bikes, e-trikes at iba pang apektadong sasakyan na dumaraan sa ilang tukoy na daan sa Metro Manila,” pahayag ni Marcos sa kanyang” X” post.
Pero nilinaw ng Pangulo na mananatiling bawal ang pagdaan ng mga e-trikes at e-bikes sa mga piling pangunahing lansangan alinsunod sa MMDA regulation no. 24-022 series of 2024.
Layunin ng palugit ay hindi muna titiketan, wala munang multa at pag-impound sa mga e-trike at e-bikes.
Kung paparahin man sila, ito ay upang ituro ang mga alternatibong kalsadang maaari nilang gamitin at paalala na rin sa mga motorista ng e-bike at e-trike sa bagong patakaran para sa kanilang kaligtasan at kaayusan ng lansangan.
- Latest