Hanging bridge napatid: 15 estudyante hulog sa dagat

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 15 estudyante ang sugatan matapos maputol at bumagsak ang isang hanging bridge kamakalawa ng hapon sa Albay.

Batay sa report, papauwi na ang mga estudyante galing paaralan nang aksidenteng maputol at bumagsak ang Cawit Hanging Bridge sa Brgy. It-ba, Albay pasado alas-6 ng hapon nitong Miyerkules.

Maswerte umano ang mga biktima at nangyari ang insidente na low tide at mababaw lamang ang tubig sa Kamanitohan River nang mangyari ang aksidente habang lahat ng kanilang gamit, gadget at cellphone ay nabasa ng tubig-dagat.

Kaagad rumesponde ang mga awtoridad at isinugod ang mga biktima sa Manito Municipal Hospital.

Ang Cawit Hanging Bridge ay suspension bridge na nagkokonekta sa bayan ng Manito at ilang coastal barangay ng Cawit.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon at pagsusuri ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Philippine Coast Guard at MDRRMO sa lugar at sa mismong tulay.

Show comments