Sibak na BFAR chief kanselado retirement benefits
MANILA, Philippines — Kanselado na ang retirement benefits ni dating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Demosthenes R. Escoto na nadismiss sa serbisyo kaugnay sa kasong katiwalian.
Ang accrued leave na naipon ni Escoto na lang ang kaniyang makukuha. Bukod pa dito, disqualified o hindi na muling makapagtrabaho sa alinmang sangay ng gobyerno si Escoto.
Sa 22-pahinang desisyon ni ni Graft Investigation and Prosecution Officer I Cezar M. Tirol II na inaprubahan ni Ombudsman Samuel R. Martires, napatunayan siyang guilty sa grave misconduct.
Ang dismissal order ay nag-ugat sa reklamong inihain ng abogadong si James Mier Victoriano, kaugnay ng umano’y iregularidad sa pagbibigay ng P2.097-bilyong kontrata sa British company na SRT Marine Systems Solutions Ltd. - United Kingdom noong 2018 noong siya ay chairman ng Bids and Awards Committee.
Layunin ng proyekto na pahusayin ang kakayahan ng BFAR na tuparin ang mandato nito sa pangangalaga at pagsubaybay sa yamang pandagat ng bansa sa pamamagitan ng pag-atas sa lahat ng commercial fishing vessels na maglagay ng monitoring system na magpapakita ng kanilang lokasyon sa dagat.
- Latest